Solusyon para sa Masakit na Tuhod: Axis Knee System - Ano nga ba ito?
November 6, 2020
Nagkakaroon ng knee arthritis o knee inflammation kapag ang cartilage ng tuhod ay nagsisimulang mapudpod at buto sa buto na lamang ang nagkikiskisan. Maraming iba't ibang epektibong solusyon ang ating mga orthopedic doctors para sa knee pain. Ang mga ito ay:
1. Conservative therapy (e.g Exercise, Hot & Cold Therapy)
2. Medications (Over-the-counter Ibuprofen)
3. Injections (Steroids, Hyaluronic Acid)
4. Surgical Procedure (Total Knee Replacement)
Ang Total Knee Replacement ay isang surgical procedure kung saan tatanggalin ang sirang bahagi ng tuhod at papalitan ito ng medical grade metal at plastic knee implants na magsisilbing bagong knee joint. Ang Axis Knee System ay isang Total Knee Replacement System.
Ito ay dinisenyo at ginawa sa Pilipinas kaya naman ito ay 40%-50% na mas mura kumpara sa ibang brand ng knee implant sa bansa. Ito rin ay ginawa sa pakikipagtulungan ng Orthopedic International Inc. at Department of Science and Technology (DOST) - Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD).
Ang Axis Knee System ay:
✔️Designed for Asian Knees
✔️Has Excellent Knee Alignment
✔️FDA Philippines Registered
✔️Designed and Manufactured in an ISO:13485 Certified Company
Lubos naming ipinapayo na kumonsulta muna ang pasyente sa aming partner orthopedic doctors upang malaman ang eksaktong kaso ng kanilang tuhod. Ang ating mga partner doctor mismo ang magre-rekomenda ng tamang solusyon para dito.
Kung nais po ninyong magpa-schedule ng konsultasyon sa aming partner doctors, maaaring tumawag sa 0999-915-7791 o 0977-635-7461 o mag-inquire sa aming Facebook Page: www.facebook.com/OrthopaedicInternational