Mahahalagang Kaalaman Tungkol sa Total Knee Replacement
October 25, 2018
Kayo po ba ay nahihirapang maglakad dahil masakit ang inyong tuhod? Ang kondisyon po na inyong nararanasan ay maaaring SEVERE OSTEOARTHRITIS.
Ang osteoarthritis ay ang pagnipis ng cartilage sa tuhod. Kapag ito ay ganap nang napudpod, buto sa buto na lamang ang magkikiskisan. Ito ang tinatawag na severe osteoarthritis na nagdudulot ng matinding kirot sa tuhod. Mas nararamdaman ito kapag kayo ay tumatayo mula sa pagkaka-upo, naglalakad nang malayo o kaya naman ay umaakyat ng hagdanan.
Base sa mga pag-aaral, kapag hindi na tumatalab ang mga gamot at iba pang mga pansamantalang lunas, ang pinakamabisang solusyon sa sakit na dulot ng SEVERE OSTEOARTHRITIS ay ang TOTAL KNEE REPLACEMENT. Ito ang pagtanggal ng sirang bahagi ng tuhod at papalitan ng implant na gawa sa cobalt chrome, na mas matigas pa sa titanium.
Mahahalagang Kaalaman tungkol sa TOTAL KNEE REPLACEMENT:
Mahal ba ang total knee replacement?
Ang implant po ng Axis Knee System ay 40% - 50% na mas mura kumpara sa ibang knee implants.
Bakit mas mura ang Axis Knee System?
Mas mura ang Axis Knee System dahil ito ay gawang Filipino at ito ay subsidized ng gobyerno (DOST-PCHRD). Ito rin ay may sariling pagawaan sa Cabuyao, Laguna.
Matagal ba ako mananatili sa loob ng ospital pagka-tapos ng operasyon?
Ang tagal ng inyong pananatili sa ospital ay depende sa bilis ng inyong recovery. Marami ang nakakauwi na sa loob ng 2-4 na araw matapos operahan. Bihirang-bihira umabot ng 6 na araw kayong mananatili sa ospital.
Kailangan ba ng rehabilitasyon ng pasyente pagkatapos ng operasyon?
Ang rehabilitasyon o therapy ay mahalagang bahagi ng inyong recovery. Lalakas ang inyong katawan at ang naoperahang tuhod sa pama-magitan ng therapy.
Gaano katagal po ako puwedeng makalakad muli atmakapamuhay nang normal?
Mayroon pong mga pasyente na nakakapaglakad ilang oras lamang pagkatapos maoperahan. Subalit kailangan pa ng andador sa umpisa para makapaglakad. Mayroong mga pasyente na nakakapaglakad na walang gamit na tungkod sa loob lamang ng isang buwan. Bigyan po ninyo ang inyong sarili ng 2-3 buwan para makabalik sa normal na pamumuhay.
Sa anong materyal gawa ang Axis Knee implant?
Ang Axis Knee implants ay gawa sa medical grade Cobalt Chromium Alloy (ASTM F75) at Ultra-High Molecular Weight Polyethylene (ASTM F648) na certified ng third party accredited laboratories na ayon sa ASTM Standards.
Ang Cobalt Chromium Alloy ay matibay at matigas kaya naiiwasan nito ang deformation, pagkapudpod at maagang pagkasira ng implant.
Ayon naman sa maraming pag-aaral mula sa iba’t ibang mga bansa, ang all-polyethylene na tibial implant ay mas tumatagal at mas kaunti ang komplikasyon kumpara sa titanium-polyethylene na tibial implant. Ang all-polyethylene tibial implant din ay mas mura kumpara sa titanium-polyethylene na tibial implant.
Ano ang advantage ng Axis Knee System sa ibang knee system?
Ang Axis Knee System ay gumagamit ng patented Mechanical Axis Finder o MAF upang hanapin ang tamang alignment ng hita, tuhod, at binti. Ito ay mas accurate at patient-specific kumpara sa ibang knee systems na bumabase lamang sa average measurement. Mahalaga ang tamang alignment dahil mas maiiwasan nito ang maagang pagkasira ng implant at buto. Di tulad ng ibang knee systems, mababawasan din ng Axis Knee System ang pagdurugo sa operasyon dahil hindi nito sinisira ang medullary canal.
Ligtas po ba gamitin ang Axis Knee System?
Ang Axis Knee System ay rehistrado sa FDA Philippines. Ito ay gumagamit ng mga materyales na certified sa ASTM Standards. Ito rin ay ginawa at dinisenyo ng mga dalubhasa sa isang ISO 13485 certified company.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa 0999-915-7791.